Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Anne Cetas

Paraan ng Pananalangin

Ang panalangin ay pakikipag-usap sa Dios at hindi kailangan ng anumang hakbang para rito. Gayon pa man, minsan kailangan nating gumamit ng iba’t ibang paraan para mas maging masigla ang ating pananalangin. Natutunan ko kamakailan lang ang paraan na tinatawag na ‘Limang Daliring Pananalangin’ bilang gabay sa pananalangin para sa ibang tao.

Ganito ang paraan: Una, dahil ang hinlalaki ang pinakamalapit…

Limang Minuto

May nabasa ako tungkol sa ginagawa ng isang ina para sa kanyang mga anak. May batas sa bahay nila na laging maglalaan ng limang minuto bago ang oras ng pag-alis nila ng bahay.

Kapag magkakasama na sila, isa-isang idinadalangin ng ina ang kanyang mga anak para gabayan at pagpalain ng Dios ang araw na iyon. Pagkatapos manalangin, isa-isa niyang hahalikan ang…

Maliit na Bagay

Masayang-masaya ang kaibigan kong si Gloria na ikuwento sa akin ang tungkol sa natanggap niyang regalo. Binigyan kasi siya ng kanyang anak ng isang bagay na kahit hindi na siya pumunta sa pagtitipon ng mga nagtitiwala kay Jesus, maririnig at makikita niya ang nangyayari doon. Hindi kasi makaalis ng bahay si Gloria dahil sa sakit niya. Kaya, naiintindihan ko ang kasiyahan…

Ang ginawa ni Jesus

May sinabi ang walong taong gulang na bata kay Wally. Kaibigan si Wally ng magulang ng bata. Sinabi ng bata na mahal niya si Jesus at balang araw maglilingkod siya sa ibang bansa para ipahayag ang tungkol kay Jesus. Idinalangin siya ni Wally. Makalipas ang 10 taon, naging misyonero ang batang iyon. Sinabi ni Wally sa kanya, “Alam kong kailangan mo…

Mapagpasalamat

Nais ni Sue na lalong gumanda ang relasyon niya sa Dios at maging mapagpasalamat. Kaya, nagsusulat siya sa isang pirasong papel ng isang maipagpapasalamat sa Dios at inilalagay niya ito sa isang garapon. May mga panahon na marami siyang naipagpapasalamat sa buong araw pero may mga araw din naman na parang wala siyang makitang dahilan para pasalamatan ang Dios. Sa pagtatapos…

Matuwid

Kapag pinag-uusapan ang tungkol sa pananampalataya kay Jesus, kung minsan ay may mga salita na hindi natin lubusang nauunawaan. Isa sa mga ito ang ‘katuwiran’. Sinasabi natin na ang Dios ay nagtataglay ng katuwiran at ginagawa Niyang matuwid ang mga sumasampalataya kay Jesus pero mahirap itong maunawaan.

Makakatulong ang paraan ng pagsusulat ng mga taga China para maintindihan natin ang ibig…